
Heto ang isang matipono't kagalang-galang kong guro,
Sa tikas at tindig walang kaparis parang ginto,
Hindi masaling ang Kaisipan o malito man lamang,
Napakagaling manalumpati malupit ang katagang binibitawan.
Wag kang magkakamali o paese-ese sayong kasagutan,
Kapag ika'y tinanong binitawan mo'y dapat panindigan,
S'ya ang tinik at balakid ng kaklase kong makulit,
Nakatikim din sila sa wakas ng asukal na mapait.
Nagmistulang tinik na nakaharang sa pintuan ng kakulitan,
Isang mataas na pader na dapat mong maraanan,
Ibang klaseng ibon s'ya kung ikukumpara,
parang agila sa kalawakan na di matinga-tingala.
Ulti mong ako'y abot-abot ang hinanaing sa guro kong ito,
Sapagkat sa unang pagkakataon ay ibinagsak ako,
Luha ko'y pumatak sa lupa ng makitang markang di kaaya-aya,
Sa galit at hinagpis itong aking nagawa.
Nag alay ng isang tulang nagmimistulang bata,
Na nais ay katarungan sa kanyang laruang nasira,
Kaawaan mo sana ako mahal kong maestro,
Ginawa ko nang lahat ngunit bakit nagkaganito?
No comments:
Post a Comment